Thursday, July 21, 2005

Bilo

si Bilo ang 9 year old sister ni Meg. Binigyan ni Bilo si Kateh regalo, kalakip ang sulat na to...

dear ate kateh, mabuti na man ako ikaw kamusta ka na? oo invited ka pa rin sa birthday ko may ibibigay ako sa yo sana magustuhan mo pag tinanong ni ate kung ano ang iibigay ko sa iyo sabihin mo yung katulad sa kanyang breslate kaso lang orange sa kanya. love Bilo

hahaha! ang breslate pala ay bracelet kay Bilo at nung makita namin, hindi sya bracelet! isa itong necklace. ang sweet talaga nitong si Bilo... at nakakatawa pa! nagmana talaga sa ate nya. hehe! =)

No comments: