kung si kateh may experience na makupitan ng sampung piso ng mamang fx driver, ako rin muntik na makupitan. maliit na halaga lang naman, 25 sentimo. pero ang punto dun, hindi nga talaga uunlad ang bansa natin kung pati pagsuskli ng tama ay hindi magawa.
eto ang kwento. 8.75 kasi ang pasahe mula sa amin hanggang sa Monumento sa Caloocan...
B: nagbayad ng 9 pesos sa driver
D: hindi nagsukli!
B: magkano po ba hanggang Monumento?
D: magkano binayad mo?
B: 9. kasi kung 8 lang, kulang di ba?! unless tatanggap ka ng kulang.
nakakainis! balak pang kupitin yung 25 sentimo ko. sa mahal ng bilihin ngayon, every centavo counts noh!
Saturday, September 17, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment